Ang Android…bow!
Luho
lang yan! Noong nakaraang dekada, iyan marahil ang sambit ng mga magulang sa
kanilang mga supling na nais magkaroon ng cellphone. Sabagay, may punto rin naman sila sapagkat napakamahal nga naman ng mga ito noon. Ngunit ngayon, ang pagkakaroon
ng cellphone ay isa nang pangangailangan.
At sa halagang apat na libo o mas mababa pa, makakabili ka na ng higit pa sa sa cellphone, isang
disenteng smartphone. Pasok sa bulsa di ba?
Ang
matinding pagbagsak ng presyo ng mga smartphone ay bunga na rin ng matinding
kompetisyon sa pagitan ng mga tagagawa nito. Sa ngayon, malaking bahagi ng
merkado ay hawak ng mga smartphone na tumatakbo gamit ang Android Operating
System (OS). Bukod kasi sa dami ng pagpipilian, hamak pang mas mura ang halaga
ng mga ito kumpara sa iPhone, Blackberry at Windows phone. Dahil dito, panalo
ang mga mamimili.
Ang
Android ay pinakilala noong taong 2007 at pinondohan ng Google na may layuning
gumawa ng open source na OS para sa mga smartphone at ibang aparato. Makalipas
ang isang taon, naibenta ang unang Android smartphone sa mundo. Sa kasalukuyan,
tinatayang aabot na sa higit isang bilyong aparato ang tumatakbo sa Android OS.
Alpabetong Pilipino
Nitong
aking nakalipas na kaarawan, bumista ang isa sa mga matalik kong kaibigan. Naisip
nya, “Ano kaya kung pagkaing Pilipino ang ginamit ng Google na pangalan sa bersyon ng
Andorid OS?”. Ang taba ng utak nya no at nahinuha nya yon? Doon na namin napagkatuwaang pangalanan ang mga bersyon ng Android
OS gamit ang iba’t-ibang kakanin na matatagpuan sa Pilipinas. Bilang pasasalamat sa Android at dahil na rin sa
papalapit na pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”, naisipan kong lumikha ng oda sa
anyong alpabeto.
Letra | Kakanin |
A | Ampaw |
B | Binatog |
K | Kutsinta |
D | Durian Candy |
E | Espasol |
G | Gulaman |
H | Halo-halo |
I | Inutak |
L | Leche Flan |
M | Macapuno |
N | Nilupak |
O | Otap |
P | Pichi-pichi |
R | Rice Cake (Puto) |
S | Sapin-sapin |
T | Turon |
U | Ube Halaya |
W | White Coconut Milk Cake (Maja Blanca) |
Y | Yema |
No comments:
Post a Comment